Mga Cognitive Function ng INTJ
Ni - Te
INTJ Kristal
Mastermind
Ano ang Mga Cognitive Function ng INTJ?
Ang mga INTJ, na tinatawag ding Mga Mastermind, ay kilala sa kanilang nangungunang mga cognitive function: ang dominanteng Ni (Introverted Intuition) at auxiliary Te (Extroverted Thinking). Ang kombinasyon na ito ay bumubuo ng isang personalidad na parehong malalim na analitikal at bukod-tanging mahusay sa pagpapatupad ng mga ideya. Kilala ang mga INTJ sa kanilang kakayahan na makakita ng mga pattern at estratehikong solusyon, kadalasan ay iniisip ang ilang hakbang pasulong sa anumang sitwasyon.
Ang kanilang dominanteng Ni ay nagbibigay ng malakas na kakayahan na abstraktong analisahin at pagsamahin ang kompleks na impormasyon, na ginagawa silang mahusay sa estratehikong pagpaplano at pagkakaroon ng pangitain. Ito ay binabalanse ng kanilang auxiliary Te, na tumutulong sa kanila na ayusin ang kanilang kapaligiran, magtakda ng malinaw na mga layunin, at sistematikong magtrabaho patungo dito. Madalas na naaakit ang mga INTJ sa mga sistema at mga istruktura, ginagamit ang kanilang mga cognitive function upang mag-navigate at mapabuti ang iba't ibang aspeto ng buhay.
Karaniwang pragmatiko at lohikal ang mga INTJ, na mas nakatutok sa mga objektibong realidad kaysa sa emosyon. Sila ay mahusay sa mga kapaligiran kung saan mai-apply nila ang kanilang estratehikong pag-iisip at madalas na natatagpuan sa mga larangan na nangangailangan ng kritikal na pagsusuri, makabagong paglutas ng problema, at pangmatagalang pagpaplano. Ang pag-unawa sa pag-asa ng isang INTJ sa mga lohikal na balangkas at ang kanilang pangunguna-sa-pag-iisip na kalikasan ay susi upang pahalagahan ang kanilang natatanging diskarte sa buhay at paglutas ng problema.
KUMILALA NG MGA BAGONG TAO
50,000,000+ NA MGA DOWNLOAD
Pinagkalooban tayo ng biyay ng intuwisyon ng Introverted Intuition. Ito ay nasa mundo ng walang kamalayan. Ito ay isang pasulong na pag-iisip na sadyang nakakaalam ng mga bagay nang walang kahirap-hirap. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang maranasan ang nakakapukaw na mga "eureka" na sandali sa pamamagitan ng ating walang kamalayan. Binibigyang-daan din tayo ng Ni upang makakita nang higit sa kung ano ang nakikita ng mata. Sumusunod ito sa patern ng abstract na nagpapaliwanag kung paano gumagalaw ang mundo at buhay ng tao.
Ang dominanteng cognitive function ay ang puno ng ating ego at diwa. Tinatawag ding 'Bayani', ang dominanteng punsyon ay ang ating pinakanatural at paboritong proseso ng pag-iisip at pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan sa mundo.
Ang Introverted Intuition (Ni) sa dominanteng posisyon ay nagbibigay sa mga INTJ ng regalo ng intuwisyon. Ito ay nagpapahintulot sa kanila na makita ang mga pinagbabatayan na mga kadahilanan sa bawat sitwasyon. Ang mga INTJ ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanilang mga insight na tumutulong sa pagkalkula ng mga posibilidad at paglalahad ng mga pattern. Ang kanilang foresight ay nagbibigay-daan sa kanila na epektibong gumawa ng mga pangmatagalang layunin at magplano ng mga detalyadong paraan upang makamit ang mga ito. Nakatuon ang mga INTJ sa pagtingin sa potensyal sa halip na sa kung ano lang ang nakikita.
Pinagkalooban tayo ng biyay ng kahusayan ng Extroverted Thinking. Ginagamit nito ang ating analitikal na pagrason at pagiging objective. Ang Te ay naniniwala sa mga sistema, kaalaman, at kaayusan. Ang extroverted thinking ay sumusunod sa mga katotohanan sa halip na mga panandaliang emosyon. Hindi ito nagbibigay ng oras para sa mga walang kabuluhang bagay at nakatuon lamang sa kung ano ang mahalaga. Pinapalakas nito ang ating pagnanasa at sigasig upang palawakin ang ating karunungan at kaalaman.
Ang auxiliary cognitive function, na kilala bilang 'Ina' o 'Ama', ay tumutulong na gabayan ang dominanteng punsyon sa pag-unawa sa mundo at ito ang ginagamit natin kapag sinasamahan ang iba.
Ang Extroverted Thinking (Te) sa auxiliary na posisyon ay binabalanse ang nangingibabaw na Ni gamit ang regalo ng kahusayan. Sa pamamagitan ng function na ito, pinapanatili ng mga INTJ ang kanilang mga sarili na proactive at desidido sa gitna ng kanilang mga pagninilay-nilay. Nais nilang maghanap ng mga paraan upang mapabuti at maging mas mahusay kaysa sa kanilang mga nakaraang sarili. Inaayos ni Te ang kanilang mga iniisip, kilos, at desisyon batay sa lohika, kaalaman, at katwiran upang maisakatuparan ang kanilang pananaw. Ginagamit din ng mga INTJ ang kanilang Te upang aliwin ang iba sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na malaman ang kanilang mga problema at pagbibigay ng mga makatwirang solusyon.
Pinagkalooban tayo ng biyaya ng pakiramdam ng Introverted Feeling. Pumupunta ito sa pinakamalalim na sulok ng ating kaisipan at damdamin. Ang Fi ay dumadaloy sa ating mga pinahahalagahan at hinahapap ang kahulugan ng buhay. Ito ay nagpapahintulot sa atin na manatili sa ating sariling pagkakakilanlan sa gitna ng panlabas na presyon. Ang maikay na cognitive function na ito ay nakakaramdam para sa iba at gustong maging tagapagsagip para sa mga nangangailangan.
Ang tertiary cognitive function ay ang kinagigiliwan naming gamitin para mag-relax, huminahon, at alisin ang presyon sa aming dominanteng at katulong na punsyon. Kilala bilang 'Ang Bata o Ginhawa,' ito ay para pagpahinga sa sarili at parang mapaglaro na bata. Ito ang ginagamit natin kapag nakakaramdam tayo ng pagkatanggao, kalokohan, at natural.
Ang Introverted Feeling (Fi) sa tertiary na posisyon ay umaaliw sa dominant na Ni at auxiliary na Te gamit ang regalo ng pakiramdam. Ang mga INTJ ay gumagamit ng Fi upang pasayahin ang kanilang mga sarili sa mga aktibidad na naaayon sa kanilang mga pinahahalagahan at nagpapasaya sa kanilang mga kaluluwa. Pinahahalagahan nila ang pagpapahinga mula sa kanilang intuitive na pag-iisip sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nobela, pagsulat sa kanilang mga journal, o kahit na lumahok sa mga social outreach program. Hinahangaan ng mga INTJ ang mga taong gumagamit ng Fi sa mabuting paraan dahil sila ay may karunungan, integridad, at habag. Pakiramdam nila ay nasa tahanan sila sa piling ng mga tunay na nakikinig at nagmamalasakit.
Pinagkalooban tayo ng biyaya ng pandama ng Extroverted Sensing. Ito ay naniniwala sa reyalidad ng buhay. Hinahayaan tayo ng Se na damahin ang ating mga karanasan, na pahusayin ating paningin, pakikinig, pangamoy, at mga galaw ng katawan. Hinahayaan tayo nitong tumugon sa mga stimuli ng pisikal na mundo. Ang extroverted sensing ay naglalayon na samantalahin ang mga kasalukuyang sandali. Hinihimok tayo nito na kumilos kaagad sa halip na manatiling walang ginagawa.
Ang inferior cognitive function ay ang ating pinakamahina at pinaka-pinipigilang cognitive function sa kaibuturan ng ating ego at diwa. Itinatago natin ang bahaging ito ng ating sarili, nahihiya sa ating kawalan ng kakayahan na gamitin ito nang epektibo. Habang tayo ay tumatanda, tinatanggap natin at pinapaunlad ang ating inferior na punsyon, pagbibigay ng malalim na katuparan sa ating personal na paglago at ang pagtatapos ng paglalakbay ng ating sariling bayani.
Ang Extroverted Sensing (Se) sa inferior function ay sumasakop sa pinakamaliit na espasyo sa isip ng mga INTJ. Ang pagiging sensitibo sa kanilang katawan, mga pandama at ang pisikal na karanasang mundo o katotohanan ay mas mahirap. Maaaring di nila pagtuonan ng pansin ang mga detalye at karanasan habang nabubuhay sa kanilang imahinasyon. Maaaring makaramdam ng kakulangan ang mga INTJ sa paggamit ng "carpe diem" na function na ito. Madalas pinaparamdam ni Se na hindi sila epektibo at mas mababa sa mga gumagamit nito bilang kanilang dominant na function.
Pinagkalooban tayo ng biyaya ng ng imahinasyon ng Extroverted Intuition. Pinapalakas nito ang ating mga pananaw sa buhay at pinalalaya tayo mula sa ating limitadong mga paniniwala at nabuong mga hangganan. Gumagamit ito ng mga pattern upang kumonekta sa nasasalat na katotohanan. Ang Extroverted Intuition ay sensitibo sa impresyon at ambiance kaysa sa mga partikular na detalye. Ang punsyon na ito ay nakikipagsapalaran sa mga kamangha-manghang misteryo ng mundo. Ito ay nag-uudyok sa atin sa antisipasyon sa kung ano ang pwede pang mangyari.
Ang magkasalungat na aninong punsyon, na kilala rin bilang Nemesis, ay tumatawag sa ating mga pagdududa at paranoya at kumikilos bilang pagsalungat sa ating dominanteng punsyon, at kinikwestyon ang paraan ng pagtingin nito sa mundo.
Ang Extroverted Intuition (Ne) sa opposing shadow na posisyon ay maaaring guluhin ang isipan ng mga INTJ dahil sumasalungat ito sa kanilang dominant na Ni. Sinasaliksik nito ang magkakaibang pananaw at paniniwala sa pamamagitan ng regalo ng imahinasyon. Nagdudulot ito ng mga pagdududa at paranoya dahil tila nagiging mahirap at di kailangan ang pagsunod sa kanilang iisang pangitain. Pinupukaw ni Ne ang mga INTJ na mag-overthink kung sila lang ang nakakakita ng mga bagay sa pamamagitan ng gayong pananaw. Habang ginagamit nila ang function na ito, maaaring magkaroon sila ng mga kakaibang kaisipan tulad ng, "Ano ang mangyayari kung magsasayaw ako sa publiko nang mag-isa?", "Ano ang magiging reaksyon ng ka-date ko kung sisimulan kong lagyan ng sopas ang mukha ko?", o "Paano magre-react kaya ang taong ito kung bigla kong ibinahagi ang tungkol sa pinakainiingatan kong sikreto?". Maaari rin nilang makita ang mga taong gumagamit ng Ne bilang hindi pawang sumasalungat at nakakagambala.
Pinagkalooban tayo ng biyay ng lohika ng Introverted Thinking. Ginagabayan ito ng magkakaugnay na kaalaman at mga patern. Nilalakbay ni Ti ang buhay sa pamamagitan ng mga karanasan at wais na pagsubok sa mga posibilidad. Ito ay nagtutulak sa atin na maging lohikal at iugnay ang lahat ng ating nararanasan. Ang introverted thinking ay kaakibat ng makatuwirang pag-troubleshoot. Ang kalabuan ay walang lugar dito dahil patuloy nitong hinahangad ang pagkatuto at paglago. Binibigyan tayo nito ng kapangyarihan na maunawaan kung paano gumagalaw ang mga bagay mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalalim at kumplikadong aspeto.
Ang kritikal na aninong punsyon ay pumupuna at maliitin ang ating sarili o ang iba at walang iniisip na kahihiyan at panlilibak sa paghahanap nito ng kontrol.
Ang Introverted Thinking (Ti) sa critical shadow na posisyon ay umaatake sa ego sa pamamagitan ng pag-insulto at pamumuna ng kanilang pagkabigo. Pinupuna nito ang mga INTJ sa hindi pagsunod sa mga lohikal na balangkas na nagpaparamdam sa kanila na sila ay mahina at kulang. Maaaring ipahiya ni Ti ang kanilang mga panloob na sarili dahil sa hindi nila abot ang mga inaasahan sa sarili. Minamaliit nito ang mga INTJ dahil sa pagkawala ng mga mental map na nakakaapekto sa kanilang pamamaraan. Kapag naranasan nila ang Introverted Thinking function, maaari silang magsabi ng mga bagay sa kanilang sarili gaya ng "Paano mo nakaligtaan ang ganoong mahalagang prinsipyo?", "Maaari mo sanang harapin ito sa mas lohikal na paraan!", o "Paano ka nabulag sa napakalinaw na balangkas na inilatag sa iyong mga mata?". Maaari rin nilang ipakita ang masamang saloobin at maliitin ang mga gumagamit ng Ti na siyang nagtutulak upang kapusin sila ng determinasyon na maisakatuparan ang kanilang matatayog na pangarap at plano.
Pinagkalooban tayo ng biyaya ng empatiya ng Extroverted Feeling. Nagsusulong ito para sa kabutihan kaysa sa pagtutuon ng pansin sa mga indibidwal na hangarin. Ipinagkatiwala nito ang integridad at etika. Tayo ay likas na umaayon sa moral at kultural na pagpapahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ng punsyon na ito. Pinahihintulutan tayo ng Fe na madama ang ibang tao kahit na hindi ganap na nararanasan ang kanilang mga sitwasyon. Ito ay nag-uudyok sa atin na panatilihin at alagaan ang ating mga koneksyon at relasyon.
Ang punsyon ng anino ng manloloko ay palihim, malisyoso, at mapanlinlang, nagmamanipula at bumibitag ng mga tao.
Ang Extroverted Feeling (Fe) sa trickster shadow na posisyon ay nakakainis sa mga INTJ na may regalo ng empatiya. Maaaring nakaka-overwhelm ang Fe para sa mga personalidad na ito, na nakasanayan na tumugon sa lohika at pananaw, kung kaya't nahihirapan silang tumuon sa mga emosyon at damdamin ng iba. Madalas na ipahayag ng mga INTJ ang kanilang trickster nang may panunuya d dahil di sila sanay at hindi lubusang nakakonekta sa function na ito. Ang mga taong gumagamit ng Fe ay maaaring magmukhang hindi totoo at kahina-hinala sa kanilang tunay na intensyon.
Pinagkalooban tayo ng biyaya ng mga detalye ng Introverted Sensing. Kumunsulta ito sa detalyadong nakaraan upang makakuha ng karunungan sa kasalukuyan. Naaalala natin at muling binibisita ang nakalipas at mga nakuhang impormasyon sa pamamagitan ng punsyon na ito. Patuloy itong nag-iimbak ng data ng pandama upang balansehin ang ating mga kasalukuyang pananaw at opinyon. Tinuturuan tayo ng Introverted Sensing na bigyang-katwiran ang katotohanan at mga karanasan sa buhay sa halip na makinig sa nararamdaman lamang. Pinapayuhan tayo nito na iwasang gumawa ng parehong pagkakamali sa buhay.
Ang punsyon ng anino ng demonyo ay ang ating pinakakaunting punsyon, malalim na walang malay at malayo sa ating ego. Ang ating relasyon sa punsyon na ito ay napakahirap kaya't nahihirapan kaming makipag-ugnayan, at kadalasang ginagawang demonyo, ang mga taong ginagamit ito bilang kanilang dominanteng punsyon.
Ang Introverted Sensing (Si) sa demon shadow na posisyon ay ang hindi gaanong binuo na function ng mga INTJ. Habang nagpupumilit silang matandaan ang mga partikular na detalye ng kanilang mga karanasan, natatapos nilang gamitin ang function na ito sa di maayos na paraan. Sa halip ay ginagamit nila ang Si upang i-replay ang pinakamasamang sandali ng kanilang buhay upang parusahan at pahirapan ang kanilang mga sarili. Habang ginagamit nila ang function na ito, sila ay maaaring maging sobrang sensitibo sa kanilang pisikal na katawan at mabigla dahil karaniwan nilang napapabayaan ang mga pisikal na sensasyon na iyon. Ang mga INTJ ay maaari ding madalas na gumanti sa kanilang mga kalaban sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanilang mga pagkabigo nang detalyado. May posibilidad nilang i-project ang mga saloobin sa Si function sa mga gumagamit nito at tingnan ang mga ito bilang pawang hadlang sa kanilang paglago.
Mga Cognitive Function ng Iba pang 16 Personality Types
Uniberso
Mga Personalidad
Kumilala ng Mga Bagong Tao
50,000,000+ NA MGA DOWNLOAD