Mga Punsiyong Kognitibo ng INTP

Ti - Ne

INTP Kristal

INTP Kristal

INTP

Henyo

Ano ang mga Punsiyong Kognitibo ng INTP?

Kilala ang mga INTP sa kanilang hindi matinag na pag-usisa at lubos na analitikal na pag-iisip. Ang kanilang mga punsiyong kognitibo ay pinamumunuan ng Ti (Introverted Thinking), ang kanilang dominanteng punsiyon, na nagkakaloob sa kanila ng natatanging kakayahan na himayin at unawain ang mga kumplikadong sistema at teorya. Ang punsiyong ito ang nagtutulak sa kanilang paghahanap ng kaalaman at katotohanan, kadalasang ginagawa silang mga nag-iisip na abstrakto na nasisiyahan sa paglutas ng mga intelektwal na palaisipan. Ang mga INTP ay hindi gaanong nag-aalala sa mga panlabas na istruktura kundi higit pa sa panloob na pagkakatugma ng kanilang mga ideya at teorya.

Ang kanilang pangalawang punsiyon, Ne (Extroverted Intuition), ay nagpupuno sa kanilang analitikal na kalikasan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang patong ng pagkamalikhain at pagkasensitibo. Pinapayagan ng punsiyong ito ang mga INTP na makita ang maramihang mga posibilidad at daanan, ginagawa silang lubos na mapamaraan at makabago. Ang kombinasyon ng Ti at Ne ay gumagawa sa mga INTP na kakaiba sa pagkakaroon ng kasanayan sa pagkilala ng mga pattern at pagsaliksik sa mga teoretikal na posibilidad.

Madalas lumabas na mahiyain ang mga INTP, ngunit sa kaloob-looban, sila ay buhay na buhay sa isang makulay na daigdig ng mga ideya at hipotesis. Karaniwan silang hindi masyadong interesado sa mga praktikal na detalye kundi higit pa sa paggalugad ng mga konsepto at posibilidad. Ginagawa silang natural na mga tagalutas ng problema, na sabik na tuklasin at unawain ang mundo sa kanilang paligid sa kanilang di-konbensiyonal na mga paraan.

Mga Cognitive Function

KUMILALA NG MGA BAGONG TAO

50,000,000+ NA MGA DOWNLOAD

INTP DOMINANT FUNCTION

Ti - Lohika

Introvered Thinking

Pinagkalooban tayo ng biyay ng lohika ng Introverted Thinking. Ginagabayan ito ng magkakaugnay na kaalaman at mga patern. Nilalakbay ni Ti ang buhay sa pamamagitan ng mga karanasan at wais na pagsubok sa mga posibilidad. Ito ay nagtutulak sa atin na maging lohikal at iugnay ang lahat ng ating nararanasan. Ang introverted thinking ay kaakibat ng makatuwirang pag-troubleshoot. Ang kalabuan ay walang lugar dito dahil patuloy nitong hinahangad ang pagkatuto at paglago. Binibigyan tayo nito ng kapangyarihan na maunawaan kung paano gumagalaw ang mga bagay mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalalim at kumplikadong aspeto.

Ang dominanteng cognitive function ay ang puno ng ating ego at diwa. Tinatawag ding 'Bayani', ang dominanteng punsyon ay ang ating pinakanatural at paboritong proseso ng pag-iisip at pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan sa mundo.

Ang Introverted Thinking (Ti) sa dominanteng posisyon ay nagbibigay sa mga INTP ng regalo ng lohika. Isinasaayos nito ang kanilang pag-iisip at kilos na na maging makatwiran at rasyonal. Ang Dominant Ti ang nagtutulak sa kanila na hanapin ang mga pinakaangkop na sagot sa kanilang mga tanong. Nakatuon ito sa pangkalahatang katotohanan sa gitna ng mga kaugaliang nakasanayan at inaasahan sa lipunan. Likas na nilalayon nilang maging tama at walang kinikilingan sa lahat ng kanilang ginagawa.

INTP AUXILIARY FUNCTION

Ne - Imahinasyon

Extroverted Intuition

Pinagkalooban tayo ng biyaya ng ng imahinasyon ng Extroverted Intuition. Pinapalakas nito ang ating mga pananaw sa buhay at pinalalaya tayo mula sa ating limitadong mga paniniwala at nabuong mga hangganan. Gumagamit ito ng mga pattern upang kumonekta sa nasasalat na katotohanan. Ang Extroverted Intuition ay sensitibo sa impresyon at ambiance kaysa sa mga partikular na detalye. Ang punsyon na ito ay nakikipagsapalaran sa mga kamangha-manghang misteryo ng mundo. Ito ay nag-uudyok sa atin sa antisipasyon sa kung ano ang pwede pang mangyari.

Ang auxiliary cognitive function, na kilala bilang 'Ina' o 'Ama', ay tumutulong na gabayan ang dominanteng punsyon sa pag-unawa sa mundo at ito ang ginagamit natin kapag sinasamahan ang iba.

Ang Extraverted Intuition (Ne) sa auxiliary na posisyon ay nagbibigay sa dominanteng Ti function ng regalo ng imahinasyon na nagbabalanse sa kanilang lohikal na pananaw sa buhay. Nagdudulot ito ng walang hanggan na pag-usisa sa mga INTP, na karaniwang kinukulong ang kanilang sarili sa lohika at makatuwirang paghuhusga. Habang umuunlad si Ne, nagiging mas mapagsaliksik sila sa kanilang mga ideya at mas determinadong baklasin ang kanilang limitadong mga paniniwala. Nagbibigay-daan ito sa kanila na madaling makibagay at umaliw sa iba sa pamamagitan ng pagiging mas bukas at pagtanggap sa mga pagkakaiba. Maaari silang magsimulang magtanong tulad ng "May hindi ba ako nakikita sa sitwasyong ito?", "Ano pa ang magagawa ko dito?", o "Mayroon pa bang ibang paraan para mas mapabuti ko ang sitwasyong ito?"

INTP TERSIYARYO FUNCTION

Si - Detalye

Introverted Sensing

Pinagkalooban tayo ng biyaya ng mga detalye ng Introverted Sensing. Kumunsulta ito sa detalyadong nakaraan upang makakuha ng karunungan sa kasalukuyan. Naaalala natin at muling binibisita ang nakalipas at mga nakuhang impormasyon sa pamamagitan ng punsyon na ito. Patuloy itong nag-iimbak ng data ng pandama upang balansehin ang ating mga kasalukuyang pananaw at opinyon. Tinuturuan tayo ng Introverted Sensing na bigyang-katwiran ang katotohanan at mga karanasan sa buhay sa halip na makinig sa nararamdaman lamang. Pinapayuhan tayo nito na iwasang gumawa ng parehong pagkakamali sa buhay.

Ang tertiary cognitive function ay ang kinagigiliwan naming gamitin para mag-relax, huminahon, at alisin ang presyon sa aming dominanteng at katulong na punsyon. Kilala bilang 'Ang Bata o Ginhawa,' ito ay para pagpahinga sa sarili at parang mapaglaro na bata. Ito ang ginagamit natin kapag nakakaramdam tayo ng pagkatanggao, kalokohan, at natural.

Ang Introverted Sensing (Si) sa posisyong tertiary o tersiyaryo na function ay nagbibigay sa INTP ng regalo ng detalye, na nagpapahinga sa kanila mula sa pagiging lohikal at mapanlikha. Iniuugnay ng Si ang kanilang kasalukuyang mga sitwasyon sa kanilang mga nakaraang karanasan at muling binibisita ang kanilang mga natutunan. Sa pamamagitan ng function na ito, ang mga INTP ay namumuhay sa labas ng kanilang isip at umaasa lamang sa kanilang nakuhang kaalaman, kasanayan, at mga talento. Inuugnay sila nito sa kanilang mga dating hilig na mga gawi na nagpapagaan ng kanilang loob at nagpapaalala kung sino talaga sila. Maaaring pukawin ng Si ang kanilang interes sa pag-aaral ukol sa kasaysayan ng kanilang pamilya, kultura, o pangkalahatang kasaysayan ng mundo.

INTP INFERIOR FUNCTION

Fe - Empatiya

Extroverted Feeling

Pinagkalooban tayo ng biyaya ng empatiya ng Extroverted Feeling. Nagsusulong ito para sa kabutihan kaysa sa pagtutuon ng pansin sa mga indibidwal na hangarin. Ipinagkatiwala nito ang integridad at etika. Tayo ay likas na umaayon sa moral at kultural na pagpapahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ng punsyon na ito. Pinahihintulutan tayo ng Fe na madama ang ibang tao kahit na hindi ganap na nararanasan ang kanilang mga sitwasyon. Ito ay nag-uudyok sa atin na panatilihin at alagaan ang ating mga koneksyon at relasyon.

Ang inferior cognitive function ay ang ating pinakamahina at pinaka-pinipigilang cognitive function sa kaibuturan ng ating ego at diwa. Itinatago natin ang bahaging ito ng ating sarili, nahihiya sa ating kawalan ng kakayahan na gamitin ito nang epektibo. Habang tayo ay tumatanda, tinatanggap natin at pinapaunlad ang ating inferior na punsyon, pagbibigay ng malalim na katuparan sa ating personal na paglago at ang pagtatapos ng paglalakbay ng ating sariling bayani.

Ang Extroverted Feeling (Fe) sa inferior na posisyon ay sumasakop sa pinakamaliit na espasyo sa isipan ng mga INTP. Nahihirapan silang magpakita ng empatiya at mapanatili ang kanilang mga koneksyon dahil sa kanilang impersonal at lohikal na isipan at kilos. Madalas silang nahihiya at nag-aalinlangang makipag-ugnayan sa iba dahil ang inferior Fe ay mismong salungat ng kanilang dominant function na Introverted Thinking. Maaaring maging pilit ang mga kilos at salita ng mga INTP habang pinapalawak nila ang kanilang mga hangganan upang makihalubilo sa iba. Ika nga ay mas madaling maunawaan ng mga personalidad na ito ang mga makina ng kotse kaysa sa pag-tune sa masalimuot at komplikadong emosyon ng tao.

INTP OPPOSING FUNCTION

Te - Kahusayan

Extroverted Thinking

Pinagkalooban tayo ng biyay ng kahusayan ng Extroverted Thinking. Ginagamit nito ang ating analitikal na pagrason at pagiging objective. Ang Te ay naniniwala sa mga sistema, kaalaman, at kaayusan. Ang extroverted thinking ay sumusunod sa mga katotohanan sa halip na mga panandaliang emosyon. Hindi ito nagbibigay ng oras para sa mga walang kabuluhang bagay at nakatuon lamang sa kung ano ang mahalaga. Pinapalakas nito ang ating pagnanasa at sigasig upang palawakin ang ating karunungan at kaalaman.

Ang magkasalungat na aninong punsyon, na kilala rin bilang Nemesis, ay tumatawag sa ating mga pagdududa at paranoya at kumikilos bilang pagsalungat sa ating dominanteng punsyon, at kinikwestyon ang paraan ng pagtingin nito sa mundo.

Ang Extroverted Thinking (Te) sa opposing na shadow position ay nakakadismaya sa mga INTP dahil ito ay sumasalungat sa kanilang dominant function na Ti. Pakiramdam nila ay inaatake at nalilito sila kapag ipinatupad ng ibang tao ang kanilang mga istilo ng pamamaraan sa kanila. Ito ay nagtatanim ng paranoia at pagdududa, at sinisiraan ang mga nagpapahayag ng kanilang mga pananaw at opinyon bilang pawang walang kabuluhang oposisyon. Kapag nakatagpo sila ng mga taong gumagamit ng Te, nagiging matigas ang kanilang ulo at pilit na nilalabanan ang mga alituntunin o tagubilin. Maaaring madalas na itanong ng mga INTP sa kanilang sarili ang mga tanong na ito sa sarili, "Sinasadya ba nila akong kontrahin?", "Bakit nila ako nilalabanan?", o "Bakit nila ginagawang kumplikado ang mga bagay?"

INTP MAPANURI FUNCTION

Ni - Intuition

Introverted Intuition

Pinagkalooban tayo ng biyay ng intuwisyon ng Introverted Intuition. Ito ay nasa mundo ng walang kamalayan. Ito ay isang pasulong na pag-iisip na sadyang nakakaalam ng mga bagay nang walang kahirap-hirap. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang maranasan ang nakakapukaw na mga "eureka" na sandali sa pamamagitan ng ating walang kamalayan. Binibigyang-daan din tayo ng Ni upang makakita nang higit sa kung ano ang nakikita ng mata. Sumusunod ito sa patern ng abstract na nagpapaliwanag kung paano gumagalaw ang mundo at buhay ng tao.

Ang kritikal na aninong punsyon ay pumupuna at maliitin ang ating sarili o ang iba at walang iniisip na kahihiyan at panlilibak sa paghahanap nito ng kontrol.

Ang Introverted Intuition (Ni) sa critical shadow na posisyon ay umaatake sa ego sa pamamagitan ng pagsaboy ng negatibong intuwisyon dahil sa pagkabigo o kahihiyan. Ang kanilang demon function ay nag-uudyok sa mga INTP na kutyain ang kanilang paningin at ang mga nakapaligid sa kanila. Mimaliit ng Ni function ang kanilang abilidad at pinipigilan silang maisakatuparan ang alinman sa kanilang mga layunin. Direkta nitong iniinsulto ang kanilang mga kapintasan. Maaari silang magsimulang magtanong sa kanilang mga sarili tulad ng "Paano mo mabibigo na makita ito nang maaga?", "Bakit hindi ka makapag-focus sa isang bagay?", o "Bakit hindi ka na lang magsalita?". Kapag pinupuna naman ng iba ang mga INTP, sumasagip din si Ni sa pamamagitan ng paghanap ng kamalian upang makabuo ng counterargument laban sa pumupuna.

INTP TRICKSTER FUNCTION

Se - Senses

Extroverted Sensing

Pinagkalooban tayo ng biyaya ng pandama ng Extroverted Sensing. Ito ay naniniwala sa reyalidad ng buhay. Hinahayaan tayo ng Se na damahin ang ating mga karanasan, na pahusayin ating paningin, pakikinig, pangamoy, at mga galaw ng katawan. Hinahayaan tayo nitong tumugon sa mga stimuli ng pisikal na mundo. Ang extroverted sensing ay naglalayon na samantalahin ang mga kasalukuyang sandali. Hinihimok tayo nito na kumilos kaagad sa halip na manatiling walang ginagawa.

Ang punsyon ng anino ng manloloko ay palihim, malisyoso, at mapanlinlang, nagmamanipula at bumibitag ng mga tao.

Ang Extroverted Sensing (Se) sa trickster shadow na posisyon ay tila nang-iinis sa mga INTP dahil sa kaloob ng pandama. Nakikita nila ang 'carpe diem' o spur-of-the-moment na pagsasaya bilang kalokohan at pambata. Kapag sinubukan nilang mamuhay sa kasalukuyan at damahin ang bawat karanasan, maaaring makaramdam sila ng labis na pagkabalisa dahil tila wala ito sa kanilang pagkatao. May posibilidad din nilang ipakita ang kanilang di pagsang-ayon sa kanilang trickster function tungo sa mga gumagamit ng Se. Maaaring subukan ng mga INTP na salungatin ang carefree at makatotohanang pananaw ng Se sa pamamagitan ng pag-bitag sa kanila sa sarili nilang mga teorya para lang matigil ang kanilang "kalokohan".

INTP DEMON FUNCTION

Fi - Feeling

Introverted Feeling

Pinagkalooban tayo ng biyaya ng pakiramdam ng Introverted Feeling. Pumupunta ito sa pinakamalalim na sulok ng ating kaisipan at damdamin. Ang Fi ay dumadaloy sa ating mga pinahahalagahan at hinahapap ang kahulugan ng buhay. Ito ay nagpapahintulot sa atin na manatili sa ating sariling pagkakakilanlan sa gitna ng panlabas na presyon. Ang maikay na cognitive function na ito ay nakakaramdam para sa iba at gustong maging tagapagsagip para sa mga nangangailangan.

Ang punsyon ng anino ng demonyo ay ang ating pinakakaunting punsyon, malalim na walang malay at malayo sa ating ego. Ang ating relasyon sa punsyon na ito ay napakahirap kaya't nahihirapan kaming makipag-ugnayan, at kadalasang ginagawang demonyo, ang mga taong ginagamit ito bilang kanilang dominanteng punsyon.

Ang Introverted Feeling (Fi) sa posisyon ng demon shadow function ay ang pinaka hindi gaanong nabuong function ng mga INTP. Habang nakikipagpunyagi sila sa kanilang mga damdamin, tila ay nawawala sila sa reyalidad dahil sa pagsisiyasat ng sarili at nagiging malupit na kritiko sa kanilang sarili at ng iba. Halimbawa, sila ay maaaring maging masigasig sa pakikipaglaban para sa isang tiyak na layunin ngunit habang ginagamit nila ang kanilang Fi, sila ay maaaring magmukhang makasarili at hindi sensitibo sa halip na maging tunay na mapanghikayat. May posibilidad silang i-demonize ang mga dominant na user ng Fi dahil hindi nila lubos na naiintindihan ang mga ito.

Kumilala ng Mga Bagong Tao

50,000,000+ NA MGA DOWNLOAD